tatay

Tatay (tawag ko sa kakambal nang daddy ko)

Sulat para kay tatay…

Tay,

Kamusta kana? uuwi na naman ako, parang kelan lang nakakasama ko pa kayo, nakakalungkot din pala, sa totoo lang, kaya ko naman eh, nalulungkot lang talaga ako para kay daddy, nasanay kasi akong lagi ko kayong nakikitang magkasama, naaalala ko pa kung pano ako tumawa pag nakita ko kayong magka angkas sa motor, magkamukang kambal na panot.. hehehehe.. tagal ko din pala tumira sa inyo noh? Pitong taon.. tay tagal nyo din ako nagging anak ah.. kahit alam kong puro kayo kalokohan… alam ko naman kung gano nyo din kami kamahal, tay, lam mo, ramdam na ramdam ko kung gano kalungkot si daddy sa pagkawala mo, alam ko malungkot si daddy kasi diba mag aani nanaman sya ng gulay sa manggahan, tay, lam mo kahit minsan mas madami pa yung nauuwi mo, ok lang samin yun, ang mahalaga naman dun kasama ka ni daddy nag aani, alam mo ba, pati nga yung pagpapalit nyo ng gulay sa gasolina ibinibida nya pa sakin yun.

Tay, alam mo, di ko na makita yung dating sigla ni daddy eh, alam ko nahihirapan pa sya, pero tay, pakiusap naman oh, tulungan mo naman yung kakambal mo, alam mo, ginwa naman din naming lahat eh, hanggang dun nalang din po kasi ang kaya namin, tay, sino na magtatanggol sa daddy ko? Alam mo naman matapang lang yun sa salita eh, matapang lang lagi yun pag nanjan ka, kasi alam na alam nya, kahit sa kanino pa, ilalaban mo sya ng patayan, kambal ba naman eh… na kahit kuya nyo na yung kaharap nyo, ikaw yung nakikipag away para sa kanya, tay sa totoo lang, ilang months na din yun pero nahihirapan pa din ako para sa kanya, yoko kasi nakikitang ganun daddy ko, di lang kumikibo yun pero alam ko, hanggang ngaun, ikaw pa din iniisip nun, tay, lam mo, nung nakita ka namin sa ICU nung bagong taon, umiyak ako, hirap na hirap akong nakikita kitang ganun kasi parang si daddy yung nakikita ko, parang di ko yata kayang tagalan kung sya yung nandun at hindi ikaw, tay, alam mo naman, kung pera pera lang yan, di issue samin  yun, ginawa naming lahat para sayo, siguro higit pa sa ginawa ng asawa’t mga anak mo, tay, request ko lang sayo, tulungan mo naman din po sana si daddy, na maka move on… uuwi nanaman kasi ako… mahal na araw… bakasyon na naman, yun na naman makikita ko… di naman namin kayo makakalimutan… alam mo din kung gano ka naming kamahal… minahal… at mamahalin…  paalam tay.. pag dasal ko nalang din kayo lagi.. miss ko na kayo…

Nagmamahal,
JPsunset.jpg

~ by japok on March 18, 2008.

Leave a Reply